Thursday, February 18, 2010

ABS-CBN namayagpag sa 2009

Lalong lumaki ang lamang ng ABS-CBN
sa kalabang network pagda ting sa
national ratings sa pagtatapos ng taong
2009, ayon sa datos ng Taylor Nelson
Sofres (TNS).

Mula sa 44% audience share kumpara sa
37% share ng GMA 7 noong Pebrero 2009,
umariba ang ABS-CBN pagdating ng
Disyembre 2009 sa audience share na 48%
laban sa 31% ng karibal na istasyon.



Ang pag-akyat ng lamang ng ABS-CBN mula
sa dalawang-percentage points hanggang
sa 17-percentage points ay dahilan na
rin sa pagtutuon ng pansin ng network sa
kanilang core viewers, pagtaas ng antas
at kalidad ng kanilang produksyon,
pagpapaganda ng TV reception, at mahusay
na pamamaraan ng pagsasalamin sa buhay
ng bawat Pilipino sa mga programa nito
tampok ang magagaling na artista sa
industriya.

Kapansin-pansin ang pagbabago ng
audience share pagdating sa Mega Manila
kung saan mula sa nine percentage points
noong Pebrero 2009 (ABS-CBN 34% vs GMA
43%), dalawang percentage point na lang
ang layo ng Kapuso Network sa Kapamilya
Network sa pagsasara ng nakaraang taon
(ABS-CBN 37% vs GMA 39%).

Pagdating sa Metro Manila, na bumubuo sa
kalakhan ng Mega Manila, nakatala ng 37%
audience share ang ABS-CBN laban sa 40%
ng GMA noong Pebrero 2009 na umakyat pa
hanggang 39% laban sa pababang share ng
kalaban na 35% pagsapit ng Dis yembre
2009.

Sa buong bansa, nanatiling namamayagpag
ang ABS-CBN matapos nitong makuha ang
45% audience share laban sa kabilang
network na nakatamo ng 34%.
Ito rin ang nangunguna pagdating sa mga
lugar sa Luzon sa labas ng Mega Manila
sa audience share na 49% laban sa 32% ng
GMA; 62% sa Visayas laban sa 22%; at 70%
sa Mindanao kung saan inilampaso nito
ang Kapuso Network na may 15% lamang.

Labing-apat sa Top 15 programa para sa
taong 2009 ay mula sa ABS-CBN.

Ang teleseryeng May Bukas Pa na
nagpasikat sa miracle boy na si Santino
ang nanguna sa listahan sa rating na
37.2%, na sinundan ng local adaptation
ng I ♥ Betty La Fea (36.8%) kung
saan gumanap si Bea Alonzo bilang
Beatriz Pengson; local adaptation ng
Only You (36.3%) tampok sina Angel
Locsin, Diether Ocampo, at Sam Mily; at
ang Tayong Da lawa (35.5%) nina Gerald
Anderson, Kim Chiu at Jake Cuenca.

Ang TV Patrol World (34.4%) ang tanging
news program na nakapasok sa Top 5 kaya
hindi maikakailang ito ang nangungunang
newscast sa buong bansa.

Sumunod dito ang rea lity-drama na Pinoy
Big Brother Double Up na pumalo ng 32.2%
sa pilot airing; ang remake ng isa sa
classic Agimat saga ni Ramon Revilla na
Pepeng Agimat na kumana ng 31%, at ang
Katorse na humataw sa rating na 30.2%.

Pasok din sa Top 15 ang magazine program
ni Korina Sanchez na Rated K sa average
ating na 29% .

Sa larangan ng program acquisitions,
tinaob ng ABS-CBN ang lahat ng kalaban
sa Boys Over Flowers (28.5%) na
nagpakilig at nagpahumaling sa mga Pinoy
sa kagwapuhan ng Korean F4 na sina Jun
Pyo, Ji Hoo, Yi Jeong, at Woo Bin. Ito
ang tanging palabas na galing ibang
bansa na nakapasok sa Top 15.

Namamayagpag at pinapanood ang ABS-CBN
sa lahat ng genre — mapa-drama,
news and current affairs, reality,
fantasy, o game show pa ito.

Kabilang sa mga programang dapat abangan
para sa taong ito ay ang Pinoy version
ng Rubi na gagampanan ni Angelica
Panganiban, talent-reality show na
Pilipinas Got Talent, fantaseryeng
Kokey@Ako, pocketbook adaptation ng
Midnight Phantom at Impostor at Gimik
2010.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

2 comments: on "ABS-CBN namayagpag sa 2009"

Anonymous said...

ito naman talaga ang totoo. ABS-CBN 2 ANG NO.1. ACTUALLY MAGING SA MEGAMANILA.

Anonymous said...

dahil sa showtime.. ;D

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines